Miyerkules, Abril 27, 2016

Mga Pagsubok sa Buhay

Ang mga pagsubok sa buhay ay dapat tandaan na lilipas din yan at magiging ok din ang lahat. Kailangan lang natin maging matatag at magtiwala sa Diyos. Magdasal sa Diyos. Magtiwala sa ating kakayahan para malampasan ito. Kadalasan ang pagsubok sa buhay natin ay hindi madali pero sa awa ng Diyos makakayanan natin na malampasan natin ito. May mga pagsubok tayo sa buhay na hindi natin kaya sabihin sa mga kaibigan o pamilya dahil nahihiya tayo. Lagi lang tayo positive sa pananaw natin sa buhay. Kailangan natin magtiis at makontento sa kung anong mayroon tayo sa buhay.  Magsumikap sa buhay at kumain ng maayos para ang pag iisip natin ay matino sa pagharap sa pagsubok na nararanasan natin. Isipin natin na marami nagmamahal sa atin at gawin natin na inspirasyon sila sa buhay natin. Kaya tandaan sa tulong ng pagdarasal, pagiging positibo sa buhay, at pagiging matatag mapagtagumpayan natin na malapamsan ang mga pagsubok sa buhay. Laging may pag-asa sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento